Ang hirap pala ng sobrang init. Lalo na kung medyo sinisipon ka. Ang bilis matuyo ng sipon mo sa ilong. Alam mo na kung ano mangyayari sa sipon kapag natuyo di ba? Kaya ayun, dinudugo ang ilong ko kakalinis araw-araw. Hindi naman pwedeng hindi mo linisin, dahil ang hirap huminga ng maraming laman ang ilong mo. At isa pa, baka biglang may lumabas dun habang nakikipag-usap ka sa boss mo. Dyahe un!
Anyway, back to the topic. Yup sobrang init dito, imagine 104 degrees on the Farenheit scale. That's what, about 40 degrees Celsius? Yes, THAT hot here in Austin right now. Sa umaga pa lang ramdam mo na ung init. We leave the hotel at around 7:30 to 7:45 AM, and the temperature is already at the the high 80's to low 90's. Oh man, sana nasa Pinas na lang ako ngayon, mainit dun pero hindi ganitong kainit. Sobrang dry kase dito. Kaya lahat ng tubig mo sa katawan parang nag-eevaporate lahat. Para ngang di ka na papawisan dahil once lumabas ung pawis mo sa katawan nagiging steam na agad sa init.
Di malabong magkasakit ka dito kung di ka sanay sa weather dito. Sobrang init sa labas, tapos pag pasok mo ng building or any other establishment eh malamig. Parang niloloko ung katawan mo sa pabago-bago ng temperature na nararanasan mo. Last saturday, nagpunta kame sa isang mall. Hindi ko alam kung gutom ko lang un o epekto un ng sobrang init, pero nahilo talaga ako. Nanginginig ako sa mall. Malamig pero pinapawisan ako sobra. Nanlalambot ako. Bumili kme ni misis ng pagkain. Sa auntie anne's. Dun lang ako naging ok. Pretzel at smoothie. Nahimasmasan ako. Gutom nga lang cguro. Or pwede pa ding dahil nalamigan na konti ang katawan ko dahil dun sa smoothie.
Well, we'll still be here for another couple of weeks. Di na namin aabutan ang pag-"lamig" ng panahon dito. The "fall" season starts daw at September. We're leaving on the 24th. Sana medyo mas-"malamig" na ng konti sa panahon na un. Ang hirap mag-gala at maglibot eh. Di kaya ng car aircon ung init. Haaay, di bale, konting tiis na lang....
No comments:
Post a Comment