Friday, February 11, 2005

pangako ko sa yo

hindi ko napansin
tatlong buwan na pala kaming magkasama
parang kahapon lang
masungit pa kame sa isa't isa
pero ngayon tingnan mo
di na kami mapaghiwalay

nakakatuwa,
kasingbilis ng mga pangyayari
bago kme nagkasama
ang paglipas ng oras
na kasama namin ang isa't isa
hindi ko akalain
na magiging ganito kami
kalapit sa isa't isa
wala ding ibang taong nakapagsabi
na kaming dalawa
ay magkasama na pala

nakakatuwang isipin
totoo pala ang ilang sabi-sabi
na ang puso
hindi hinahanapan ng katuwang
ito'y kusang dumadating lang
sa oras na di mo inaasahan

masaya
dahil nga sa di inaasahan
lahat ay parang surpresa
kahit sa maliliit na bagay
natutuwa kayo sa isa' isa
hindi mo namamalayan
lumilipas na pala ang oras
na kayo'y nakaupo lang at nag-uusap
minsan kahit walang nagsasalita
nakangiti pa din kami
at masayang masaya

oo minsan may mga problema
pero balewala lahat
dahil kahit may hindi pagkakaunawaan
ang lahat ay aming napag-uusapan
kahit may konting tampo
kahit may ilang reklamo
hindi namin pinagtatagal ang mga ito
hindi namin dinadaan sa init ng ulo
walang tampo na pinapanatiling malabo

kaya ngayon nandito kami
magkasama pa din
at sa lahat ng bagay ay magkakampi
laking pagpapasalamat ko sa kanya
dahil, dahil sa kanya
natutunan ko ulit ang muling sumaya
pinakita nya ulit sa akin
kung ano ang pakiramdam
kapag alam mong
sa kahit anong oras
ika'y may tatakbuhan
ika'y may malalapitan
dahil sa kanya
puso ko'y muling naging maligaya
dahil alam ng puso ko
na hindi na ulit sya mag-iisa
habang-buhay na syang may kapiling at kasama

kaya't para sa yo
sa taong minamahal ko
alay ko sa yo ang puso ko
dahil ikaw ang nagbigay buhay muli dito
salamat sa yo,
mamahalin kita habangbuhay
yan ang pangako ko sa iyo

No comments: